Pagbubukas ng bagong plaza ng Dinalupihan

Philippine Standard Time:

Pagbubukas ng bagong plaza ng Dinalupihan

Pormal nang binuksan sa publiko sa pangunguna nina Mayor Tong Santos, Cong. Gila Garcia at mga myembro ng Sangguniang Bayan nitong ika-4 ng Disyembre, ang bagong liwasang bayan o plaza ng Dinalupihan. Ang proyekto ay sa pagsisikap nina Mayor Tong Santos, Cong. Gila Garcia at sa tulong ni Gov. Joet Garcia.

Sa simpleng seremonya, sinabi ni Cong Gila sa kanyang mensahe, na ang pinagandang liwasang bayan ay isang testimonya para mapagyaman ang kultura, pagkakaisa ng pamayanan at pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ng Dinalupihan. Talaga umanong nagsaliksik pa sila ni Mayor Tong Santos ng itsura ng mga liwasang bayan noong unang panahon, na siyang naging tema ng bagong plaza, gaya ng cobbled stones, mga ilaw, silya at maging kisame ng mga gasebo.

Hinikayat ni Mayor Santos ang kanyang mga kababayan na mahalin, ingatan at pahalagahan ang kanilang plaza para mapanatili ang mayamang kultura ng bayan at makasaysayang pinagmulan nito.The post Pagbubukas ng bagong plaza ng Dinalupihan appeared first on 1Bataan.

Previous BCIB gets funding from ADB

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.