Kalusugan ng lupa ang nagbibigay ng kalusugan sa halaman na siya namang pinakikinabangan ng pamayanan at kalikasan, ito ang buod ng paliwanag ni Congresswoman Gila Garcia nang ibalita niya ang kanyang pagdalo sa Ist National Soil Health Summit na may temang, “Securing Food and Nutrition Through Healthy Soil.”
Ikinatuwa ng masipag na Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Bataan ang nasabing 2-day seminar kung saan ay nakasama nila ang Pangulong Bongbong Marcos bilang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura kung saan kanyang sinabi na, ang lupa natin ay under threat dahil sa maling paggamit ng pesticides at fertilizers kung kaya’t kailangan ng masusing soil analysis.
Sa panayam ng NewsBlast kay Cong. Gila Garcia sa nasabing seminar, sinabi nitong sa mga susunod na panahon ay makabubuo na siya ng National Soil Strategy sa kanyang distrito, na makatutulong sa ating mga magsasaka na makita kung saan pwede tumaas ang ani dahil sa ating soil science.
Binigyan diin ni Cong. Gila na ang kanyang adbokasiya ay nasa mga larangan ng Agrikultura, Kalusugan, Edukasyon at Turismo. Matatandaang sinimulan niya ang paggamit ng Israel drip irrigation system, isang science-based farming approach na nagbigay ng magandang ani at kita sa mga magsasaka noong siya ay Mayor ng Dinalupihan
The post Pagbuo ng national soil strategy, isusulong appeared first on 1Bataan.