Paglulunsad ng Mariveles Comprehensive at Integrated Nutrition Program

Philippine Standard Time:

Paglulunsad ng Mariveles Comprehensive at Integrated Nutrition Program

Bilang paghahanda sa paglulunsad ng Comprehensive and Integrated Nutrition Program ng bayan ng Mariveles ay nagsagawa sila ng mga programa hinggil sa nutrisyon. Sinimulan ito sa selebrasyon ng Nutrition month nito lamang nakaraang biyernes sa Mariveles People’s park na may temang, “Healthy diet gawing affordable sa lahat.

Ayon kay Mayor AJ Concepcion, prayoridad ng kanyang administrasyon ang tamang nutrisyon para sa kanyang mga kababayan na sinuportahan ng resolusyon na ipinasa ni Konsehal Ivan Ricafrente ng Sangguniang Bayan na naglalayong, sa taong 2030 ay wala nang magiging malnourished o magugutom sa kanyang mga kababayan kung kaya’t itinakda nila sa ika-31 ng Hulyo ng taong ito ang isang malaking hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Mariveleños hinggil sa nutrisyon.

Nakasama rin ni Mayor Concepcion sina Konsehal Ivan Ricafrente, Dr. Gerald Sebastian MHO ng bayan ng Mariveles, mga nutritionists, mga barangay nutrition scholars, na mangunguna sa paghahanda ng iba’t ibang putahe ng mga pagkaing puno sa nutrisyon pero kaya ng bulsa.The post Paglulunsad ng Mariveles Comprehensive at Integrated Nutrition Program appeared first on 1Bataan.

Previous BIR Bataan hosts tax compliance seminar for SK

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.