Ngayon pa lang ay talagang pinagpaplanuhan na ang magiging bagong ayos ng Bataan Tourism Park, ayon kay Gng. Zena Sugatain, bagong hepe ng Bataan Tourism Office.
Sa isang panayam, sinabi ni Gng. Sugatain na sa unang araw ng Disyembre, ay bubuksan na ang Bataan Tourism Park kasabay ang pagsisindi ng Christmas lights, bazaar at mga kiosks para makita nang mga pupunta doon ang mga produkto ng Bataan ngayong Pasko.
Ayon pa kay Gng. Zena, magiging mabilis at makabago na ang registration ng mga papasok sa park dahil ka-partner na nila ang Smart Communication para sa digital registration, di tulad noon na manual kung kaya’t natatagalan ang pagpasok sa park.
Para lalo pa umanong maging masigla ang pamamasyal sa park, maging ang iba pang Christmas events ay baka dito na rin ganapin.
Ang Christmas Lighting ay dadaluhan ni Gng. Vicky Garcia, Honorary Chair ng Tourism Council gayundin sina Gov. Joet Garcia, Cong Abet, Cong. Gila Garcia, City Mayor Francis Garcia, Vice Gov. Cris Garcia at iba pang mga opisyal ng lalawigan.
The post Pagpapailaw sa Bataan Tourism Park appeared first on 1Bataan.