Ang magandang imahe ng pulisya maging sa lokal man o nasyunal ay dapat manatili lalo na dito sa Bataan. Ito ang saad ni Bataan Police Director P/Col. Romell Velasco sa isang panayam sa Camp Tolentino kamakailan, kung saan sinabi nito na napakasuwerte ng mga residente ng Bataan sa ngayon.
“Bukod sa mayroon tayong mahusay na mga namumuno sa Bataan, maganda ang peace and order situation dito, maliban lang sa ilang kaso ng theft and robbery sa ilang bayan,” paliwanag ni Velasco na may isang taon nang pinamumunuan ang Bataan PNP.
Sa ngayon, mayroon programa ang Bataan police ukol sa reorientation ng mga kasapi ng pulisya upang lalong mapaunlad ang kanilang kaalamang ispirituwal tungo sa mabuting serbisyo sa mamamayan. “Napakagandang tingnan na lubos na nasisyahan ang mga taong humihingi ng tulong sa atin, dahil maayos natin silang nahaharap,” paliwanag pa ni Velasco.
Sa ngayon, ayon kay Velasco, mayroon pa rin mangilan-ngilan na dating miyembro ng makakaliwang grupo ang nagbabalik-loob sa pamahalaan at isinusuko ang kanilang armas. “Nagpapatunay lamang ito na maayos at maunlad na ang Bataan,” dagdag pa ni Velasco.
The post Pagpapanatili ng magandang imahe ng PNP appeared first on 1Bataan.