Isinagawa kamakailan sa Barangay Matalangao, Bagac, Bataan ang “Skills Training on Basket and Bilao Making” na bahagi ng programang Hinabing Kinabukasan. Pangunahing layunin ng proyektong ito ang pagbibigay ng kaalaman at karagdagang kabuhayan para sa mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) sa lugar.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mapalalakas ang kakayahan ng mga katutubo sa paggawa ng mga produkto gamit ang likas na yaman, habang pinapangalagaan ang kanilang tradisyon at kultura.
Nagpahayag naman nang buong suporta ang lokal na pamahalaan ng Bagac sa pamumuno ni Mayor Ron del Rosario para sa mga ganitong inisyatiba. Aniya, mahalaga ang mga proyektong tumutugon sa inklusibong pag-unlad at pagbibigay-lakas sa mga sektor na kadalasang naiiwan sa laylayan ng lipunan.
The post Pagsasanay sa paggawa ng basket at bilao para sa mga katutubo, inilunsad appeared first on 1Bataan.