Opisyal nang tinapos ng Philippine Coast Guard (PCG) ang operasyon sa pagsipsip ng langis at solidong basura mula sa lumubog na barko na MTKR Terranova sa Limay, Bataan matapos ang supertyphoon Carina noong nakaraang buwan.
Ayon sa ulat ni Bataan Governor Joet Garcia, isinagawa ang huling inspeksyon sa ground zero noong Setyembre 12, na dinaluhan ng PCG, Office of Civil Defense (OCD), Marine Environmental Protection Command (MEPCOM), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at mga kinatawan mula sa pamahalaang lokal ng Limay.
Sa ulat ng Harbor Star, ang kumpanya ng salvor, nakolekta mula sa lumubog na barko ang kabuuang 1,415,954 litro ng langis at 17,725 kilo ng solidong basura. Nagsagawa rin sila ng final stripping operations upang matiyak na walang laman ang lahat ng tangke ng MTKR Terranova. Ililipat ang nasabing barko sa mas ligtas na lugar upang maiwasan ang negatibong epekto sa kapaligiran at masiguro ang kaligtasan ng kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar.The post Pagsipsip ng langis mula sa lumubog na MTKR Terranova sa Bataan, tapos na! appeared first on 1Bataan.