Sinimulan na noong ika-5 ng Disyembre ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa 34 na libong mamamayan mula sa iba’t-ibang sektor sa Dinalupihan, na ayon kay Mayor Tong Santos ay tatagal hanggang ika-19 ng Disyembre.
Sinabi pa ni Mayor Tong Santos na sinikap ng kanilang LGU, sa tulong nina Gov Joet Garcia at Cong Gila Garcia na mapondohan ito dahil wala umanong katumbas na halaga ang mga ngiti ng kanyang mga kababayan habang tumatanggap nito.
Sa panahon ng kanilang Sectoral Assembly, ipinalabas ang video ng pagbati ni Cong Gila Garcia, kung saan sinabi nito na dalangin niya na magdulot ito ng kaligayahan, kasiyahan at kapayapaan sa lahat para sa isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.
Sinabi naman ni Mayor Tong Santos na ang sectoral assembly ay hindi lang pagbibigay ng pamaskong handog kundi ito rin ay pagpupugay sa kanilang mamamayan sa pakikiisa at pagsusumikap para sa kanilang mahal na bayan ng Dinalupihan.
The post Pamamahagi ng Pamaskong Handog sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.