Dinaluhan nang mahigit sa 150 pamilyang katutubo ang Pamaskong Handog ng ating Kapulisan sa pamumuno ni Prov’l Director P/Col Palmer Tria, na ginanap sa Kampo Tokentino nitong ika-13 ng Disyembre, na may temang” Pamaskong Handog para sa mga Katutubo ng Bataan”.
Ayon kay PD Tria, layunin ng nasabing programa na magbigay-saya partikular na sa ating mga batang katutubo. Namahagi sila ng ng mga food packs, bigas, damit at napakaraming laruan sa mga bata.
Nagpasalamat din si Col. Tria sa mga katutubo sa kanilang pakikiisa sa ating kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar bilang bahagi ng kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng ating lalawigan.
Bukod sa masasayang awiting pamasko ng kapulisan, na sinuklian ng mga katutubo ng kanilang cultural dance ay nagsalo-salo ang lahat sa isang boodle fight samantalang ang mga bata ay tuwang tuwa sa kanilang Jollibee food packs.
The post Pamaskong handog ng kapulisan sa mga katutubo appeared first on 1Bataan.