Ikinatuwa ni Cong. Abet Garcia ng ikalawang Distrito, ang balitang nais magtayo ng isang Port Project sa Bataan ang isang Indian Firm. Base sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), pinag aaralan ng Adani Ports and Special Eco Zone Limited (APSEZ LTD), isang malaking Port Operator sa India, na makapag-develop ng 25 meter- deep port sa Bataan na pwedeng makapag-accommodate ng PANAMAX Vessels.
Ayon kay Cong Abet, amg proyektong ito ay posibleng ipasok sa ilalim ng Public-Private-Partnership (PPP) scheme na isinusulong natin sa ating lalawigan. At kung matutuloy ang proyektong ito, ayon pa sa kay Cong. Abet, magdaragdag ito ng napakaraming oportunidad para sa mga Bataeños.
Ayon naman sa PCO, ang APSEZ LTD o Adani Ports and Special Eco. Zone Limited ay nagpahayag kay Pangulong Marcos na nais ng kanilang kompanya na mamuhunan sa Pilipinas sa mga proyekto sa larangan ng Ports, Airports, Power at Defense na isa umanong magandang pagkakataon ayon sa Pangulo na magkaroon ng Expansion plan sa ating bansa.
The post PANAMAX Vessels dadaong sa Bataan Port? appeared first on 1Bataan.