Hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka at suppliers ng mga produkto sa ‘Kadiwa ng Pangulo’ na panatiliin ang tuluy-tuloy na suplay at magandang kalidad ng mga gulay at prutas.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa “Kadiwa” store sa Limay ngayong araw na ang layunin ng programa ay mabigyan ng mura at magandang uri ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ang mga mamimili saan mang panig ng bansa.
Aniya pa, ang pamahalaan ay nakatakdang magtayo ng marami pang Kadiwa stores sa mga darating na panahon.
Ito umano ay maisasakatuparan sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local Government.
Sinalubong ang Pangulo ng mga opisyal ng Bataan sa pangunguna nina Gov. Joet Garcia, Cong. Abet Garcia, Vice Gov. Cris. Garcia at Limay Vice Mayor Richie David. Sinaksihan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa ilang negosyante at kagamitan ng mga magsasaka at mga mangingisda.
The post ‘Panatilihin ang sapat na supply at magandang presyo’ appeared first on 1Bataan.