Dalawang buwan matapos ang ground breaking noong buwan ng Pebrero, pinangunahan ni Mayor Aida Macalinao ang pasinaya sa pangarap niyang Samal Dialysis Center para sa mga kababayan niya na nangangailangan nito.
Ayon kay Mayor Macalinao hindi lingid sa kanya kung gaanong hirap ang pinagdaraanan ng kanyang mga kababayan na kinakailangan pang pumunta ng Lungsod ng Balanga, tuwing kailangang sumailalim sa dialysis na hindi lamang hirap ng katawan kundi maging ng bulsa na mas madalas ay natutulungan ng LGU sa pamamagitan ng kanilang financial assistance program.
Sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos ay binasbasan ang Samal Dialysis Center kasama sina Dr. Cristina Espino, mga konsehal na sina Ronnie Ortiguerra, Amy dela Rosa at Glenn Velasco at nakakatuwang dumating at sumuporta ang mga dating Mayor na sina G. Roman Lazarte Sr.G. Mayor Teodorico Albelda na nagsabing napakaganda ng proyektong ito ni Mayor Macalinao.
Ayon kay Ginoong Andrew Saldana at Ms. Dianne Tan mga partners ng LGU mula sa Kidneywell, isang buwan pa bago tuluyang maging operational ang nasabing dialysis center dahil inaayos pa nila ang mga kinakailangang lisensya mula sa DOH at paglalagay ng mga dagdag na kagamitan gayundin ang database para sa mga impormasyon ng mga pasyente upang mas maayos silang maserbisyuhan mula sa pagsundo, pagda-dialysis hanggang maihatid muli sa kanilang bahay.
The post Pangarap na dialysis center, magagamit na appeared first on 1Bataan.