“We are FAB”, ito ang sinabi ni Administrator Emmanuel Pineda sa panayam ng media matapos ang FAB 9th Stakeholders Night, na ang ibig sabihin umano ay, pantay ang pagkilala at pagpapahalaga nila sa mga manggagawa at kumpanya sa loob ng freeport.
Ayon kay Administrator Pineda, ngayong Stakeholders Night, mapapansin na halos magkatumbas na ang bilang ng mga parangal para sa mga kompanya at mga manggagawa, o baka mas marami pa nga ang sa manggagawa.
Noong una ay mga kumpanya lang ang nabibigyan ng parangal, subalit nitong nakaraang dalawang taon, pati mga manggagawa ay may mga parangal na rin; at ngayong taon pinagsikapan ni G. Paul Salapantan, Corporate Affairs head na maging pantay ang mga parangal na ibibigay sa mga kompanya at manggagawa.
Ilan sa mahahalagang awards na ibinigay ay ang Loyalty Award, Neophyte Award, FAB Exceptional Leaders Awards, Best HR Practice Award, at Safety Excellence Workplace Awards.
Binigyan din ng pagpapahalaga sina Senator Bong Go, Office of the 2nd Congressional District ni Cong Joet Garcia, DSWD Region 3, Provincial Government of Bataan at ang Mariveles District Hospital sa FABnership (partnership) award, na naging katuwang nila sa pagbibigay ng tulong lalo na sa panahon ng pandemya.
Samantala, itinanghal ang Dong-in Group of Companies, Essilor Company at Perpetual Prime Manufacturing Inc. na Top 3 Awardees bilang pinakamahuhusay na kompanya.
The post Pantay na pagkilala at pagpapahalaga appeared first on 1Bataan.