Panukalang Specialty Center ni Sen. Bong Go pasado sa Senado

Philippine Standard Time:

Panukalang Specialty Center ni Sen. Bong Go pasado sa Senado

Naging paboritong dalawin ni Sen. Bong Go ang lalawigan ng Bataan hindi lamang sa pagiging malapit na kaibigan ng mga Garcia, kung hindi para daluhan ang inagurasyon ng ika-7 Superhealth Center sa bayan ng Samal na pinondohan ng kanyang tanggapan at matapos iyon ay binisita naman niya ang isa pang Superhealth Center na malapit nang matapos sa bayan ng Hermosa.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Sen. Bong Go sa mga mamamayan na siya ang dapat magpasalamat sa kanila sa pagkakaluklok sa kanya sa posisyon para magserbisyo. Dahil na rin sa kanyang kasipagan at magagandang proyekto kaya’t kinilala siya bilang “Bisyo ang magserbisyo at Mr. Malasakit, dahil na rin sa mga malasakit centers na kanyang ipinagawa para sa mga mahihirap.

Sa ngayon, mayroon nang 101 Superhealth Centers sa buong bansa at aprobado na sa Senado ang kanyang “Specialty Centers” na malalagyan din ang iba’t ibang rehiyon sa buong bansa. Ang mga Specialty Centers ay tulad ng mga Heart Center, Lung Center, Kidney Center at iba pang mahahalagang ospital na may line of specialty para hindi na luluwas pa ang mga pasyente sa Maynila.

Samantala, gayon na lamang ang pasasalamat ni Gov. Joet Garcia kay Sen. Bong Go dahil isa siya sa mga opisyal mula sa pamahalaang nasyonal na naunang tumulong sa mga nasunugan sa bayan ng Orion. Si Sen. Go din ang nagtayo ng mga Malasakit Centers hindi lamang sa Bataan kundi maging sa iba’t ibang ospital sa buong bansa at ngayon ay aabangan natin ang mga Specialty Centers. Ganito rin ang naging buod ng mensahe nina Mayor Alex Acuzar ng Samal at Mayor Jopet Inton ng Hermosa.The post Panukalang Specialty Center ni Sen. Bong Go pasado sa Senado appeared first on 1Bataan.

Previous Katuparan ng pangarap

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.