Ito ang magandang balita ni Pilar Mayor Charlie Pizarro, at sila umano ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kanilang paanyaya na magkaroon ng Public Attorney’s Office (PAO) sa kanilang bayan.
Ayon pa kay Mayor Pizarro, ito ay bilang paghahanda na rin sa magaganap na malaking kaunlaran sa kanilang bayan sakaling matapos na ang kanilang Harbor City, dahil kasabay nang pag-unlad ng isang bayan ay ang pagdami ng tao, at pagkakaroon ng iba’t ibang problemang may kinalaman sa batas.
Sinabi naman nina Vice Mayor Ces Garcia at Konsehal Marben Agustin, magsusulong ng nasabing resolusyon sa Sangguniang Bayan, na pinag aaralan na nila ang magiging kabuuan ng nilalaman ng resolusyon, na isang welcome development sa nalalapit na ibayong pag-unlad ng kanilang bayan.
Samantala sinabi rin ni Mayor Charlie Pizarro na nakahanda na ang lugar upang maging opisina ng PAO sakali’t maaprobahan na ito ng DOJ.
The post PAO, maglalagay ng satellite office sa Pilar appeared first on 1Bataan.