“Ok to, parang grocery store, ayos din ang presyo.”
Ito ang pahayag ni Nimia dela Cruz, 29, ng Limay, Bataan, na namili sa Kagitingan Trade Fair na ginaganap mula Abril 7-9, 2025 sa Bataan provincial capitol ground. Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan o Day of Valor at tinatawag ding Bataan Day.
Labis na nasiyahan si Gng. Dela Cruz sa mga nakita niyang paninda sa naturang trade fair. “Marami ka rin palang mabibili dito na mga gawang-Bataan,” saad ng ginang na may limang anak.
“Tamang-tama to pasalubong sa mga anak ko,” ayon pa kay Dela Cruz. Ayon sa mga organizers ng Kagitingan Trade Fair, layunin nito na mabigyan ng kasiyahan ang mga turista na makapamili ng Bataan products lalo na ngayong Araw ng Kagitingan.
Umabot sa bilang na 46 ang mga exhibitors na pawang taga-Bataan. Kabilang sa binebenta sa trade fair ay peanut butter, biscuit, tinapay, sweets, pasalubong items, hand bags, back pack, sling bag, t-shirts, cellphone case, caps, leather belts, at marami pang iba.
The post ‘Parang grocery store’ appeared first on 1Bataan.