Parents empowerment, touch point ng bagong Gobernador

Philippine Standard Time:

Parents empowerment, touch point ng bagong Gobernador

Sinabi ni Gob. Joet Garcia na mahalaga na mapalakas ang pamilyang Bataeño. Base na rin sa kanyang karanasan, epektibo o mabisa ang pagpapatupad ng isang parenting program o pagbibigay kaalaman, paalala sa ating mga magulang, bilang mga lider sa pamilya, unang mga guro at caregiver ng ating mga anak.

Dagdag pa niya, just imagine, kung tayo bilang isang probinsya, where all the families thru the parents are aligned with our vision in improving the quality of life of all.

Binigyang-diin pa ni Gob. Joet na ang nasabing programa ang kanyang magiging touch point sa lahat ng pamilyang Bataeño.

Hiniling niya sa lahat ng mga punong bayan at iba pang opisyal na suportahan ang parenting program at huwag umanong mag alala dahil naniniwala siya na, malalagdaan ang isinusulong niyang batas na, “Parents Effectiveness Service Act” na siya umanong magiging framework niya sa pagpapatupad ng nasabing programa.

Ang mga tulong at interbensyon para sa nasabing programa ay gagawing angkop sa pangangailangan ng mga mamamayan mula sa baseline data sa pamamagitan ng Community-based Monitoring System (CBMS) para makita ang mga kailangan nating mga polisiya na dapat gawin.

The post Parents empowerment, touch point ng bagong Gobernador appeared first on 1Bataan.

Previous Housing project for 9,000 FAB workers to rise in Mariveles

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.