Isang buwan bago magpasko ay ginanap na sa bayan ng Mariveles ang taunang pagpapailaw sa Belen, Christmas decorations at buong munispyo na pinangunahan nina Mayor AJ Concepcion, Vice Mayor Lito Rubia, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pusong Pinoy Partylist Representative Jette Nisay at Board Member Angel Sunga na kumatawan kay Congresswoman Gila Garcia.
Masayang sinaksihan ng mga mamamayan ang hudyat ng pagsisimula ng taunang Paskong Mariveleño na lalong pinasaya ng programang kinabibilangan ng hataw zumba, legit dance company at Electrofire Poi dancers. Ang pagpapailaw kasabay ang maingay at makulay na fireworks ay nakadagdag sa excitement nang lahat.
Umikot ang Christmas train sa buong municipal ground at lalo pang natuwa ang mga bata nang lumabas ang mga mascot na kinabibilangan nina Minnie Mouse, Mickey Mouse, Santa Claus, Elsa, Anna, at Spiderman.
Sa mensahe ni Mayor AJ Concepcion, sinabi niyang lagi nilang pinaghahandaan ang panahon ng Kapaskuhan para makapagbigay kasiyahan sa lahat lalo sa mga bata. Samantala masaya at puno nang suporta sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ang naging buod ng mensahe nina Cong Jette Nisay at Board Member Angel Sunga.
The post Pasko na sa Mariveles! appeared first on 1Bataan.