Humigit-kumulang sa 700 katao ang nag- apply at nagpa-renew ng kanilang passport sa proyektong “Passport on Wheels” ng Department of Foreign Affairs noong Oktubre 13 sa Bulwagan ng Bayan ng Dinalupihan.
Sinabi ni Mayor German “Tong” Santos na iyon ay magandang pagkakataon “para sa ating mga kababayan na nagnanais magkaroon ng passport na hindi na lalayo pa at mamamasahe patungong Maynila o San Fernando.” Sa sandaling makumpleto ang requirements, at ito ay ma-aprubahan, magpa-folow up na lamang sila sa portal ng DFA at malalaman ang mga detalye at tirahan ng aplikante kung saan ipadadala ang pasaporte.
Ang programang ito ng DFA ay isinagawa na rin noong nakaraang taon sa bayan ng Dinalupihan na kung saan sinabi ni Mayor Santos na malaking bagay ito sa mga residente hindi lang ng Dinalupihan kundi maging sa mga karatig bayan.
The post ‘Passport on Wheels’ sa Dinalupihan appeared first on 1Bataan.