Maayos na naidaos sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Bataan ang Covenant for Peace 2022 National and Local Elections kung saan ang mga kandidato ng iba’t ibang partido ay lumagda na kanilang susundin ang mga nakapaloob na tuntunin sa nasabing sa Covenant, kasama ang mga opisyal ng COMELEC, DILG, PNP, NGO’s at religious sectors.
Ilan sa nakasaad sa Covenant ay, “to uphold the integrity of the election process, refuse to be parties to vote-buying, violence and any manner of corruption. Sa bayan ng Samal, sinabi ni Mayor Aida Macalinao na ipaaabot nilang palagi ang mabuti at tama sa puso na serbisyo publiko. Sa bayan ng Pilar naman ay nagkaroon pa muna ng unity walk papunta sa venue ng covenant, sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro at Vice Mayor Ces Garcia.
Halos lahat ng bayan sa lalawigan ay nagdaos na ng peace covenant, na bagama’t may kaunting mga iringan sa magkabilang partido ay naging mapayapa naman umanong naidaos ito ayon sa COMELEC.
The post Patas, malinis at mapayapang eleksyon sa Bataan appeared first on 1Bataan.