Pawikan conservation, nagsimula sa community-based initiative

Philippine Standard Time:

Pawikan conservation, nagsimula sa community-based initiative

Lingid sa kaalaman nang marami ang pangangalaga sa mga pawikan ay nagsimula lang sa isang community-based initiative noong 1999, sa bayan ng Morong sa pangunguna ng grupo ni G. Manolo Ibias. Sila ay dating mga poachers na ngayon ay nangangalaga na sa mga pawikan.

Sa pagdaan ng panahon, dumami ang mga pawikan conservation groups na may pawikan nesting sites tulad ng SAGIP Pawikan, PASADASS, 3P3C sa bayan ng Bagac gayundin sa mga barangay ng Lamao at Luz sa bayan ng Limay. Nakatutuwa na ang mga tao ay namulat na sa kahalagahan sa konserbasyon ng pawikan, kung kaya’t naisip ng PG-ENRO na buuin ang 1PawiCan, isang alyansa o partnership na magsisilbing mekanismo para mapagyaman pa ang Pawikan Conservation and Protection.

Ito ay tila isang pamilya na pinagbuklod ng hangarin na pangalagaan ang mga pawikan at kalikasan, sa paniniwalang “we cannot conserve the species without protecting its habitat.”

Ang numero “1” sa 1PawiCan ay mula sa 1Bataan bilang core value na unity, samantalang ang “Pawi” ay galing sa pawikan at ang “Can” ay Conservation and Alliance Network at sa Tagalog, ang salitang CAN ay “kaya”, it connotes a positive mindset that we can all save the pawikan. ”

Bilang panauhing pandangal, sa paglulunsad nito, sinabi ni Gov. Joet Garcia sa kanyang mensahe na sa paglagda sa Memorandum of Agreement ng iba’t ibang sektor sa 1PawiCan Conservation and Alliance Network ay naabot na natin ang isang,” significant milestone in the preservation of the environment and upholding on the importance of biodiversity in human life”.

Katumbas nito ay kung papaano natin masusubaybayan at matutulungan ang mangyayaring kaunlaran sa 3rd district at panghiuli, sinabi din niya na, “as true-blooded Bataenos, let us all be heroes in championing a cause once bigger than any of us”.

The post Pawikan conservation, nagsimula sa community-based initiative appeared first on 1Bataan.

Previous PGB and LGU-Orani give financial aid to fire victims

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.