Petron at Limay LGU, malalim na ang pinagsamahan

Philippine Standard Time:

Petron at Limay LGU, malalim na ang pinagsamahan

Matagumpay na ginanap ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Petron at pamahalaang lokal ng Limay para sa proyektong, “Limay Pedestrian bridge”, kung saan P56M ang donasyong ibinigay ng Petron.

Ayon kay G. Allister Go, Vice President Refinery Division at Petron Foundation Trustee na, “malalim na ang pinagsamahan ng Petron at LGU ng Limay dahil sa kanilang commitment sa mga community services para sa mga mamamayan nito.

Sinabi pa ni Go, na sa kanilang anim na dekadang pagsasamahan ay nakita nila ang pag-unlad ng bayan ng Limay gayundin sa patuloy nilang pagtulong sa iba’t ibang sektor ng kabataan, kababaihan, mangingisda at iba pang sektor na aniya pa, ang kanilang approach sa edukasyon at livelihood ay wholistic at long term.

Isa na namang milestone ayon pa kay Go ang kolaborasyon ng Petron at Limay sa nasabing proyekto, na hangad ang kaligtasan ng mga pedestrians, mga motorista at maging mga siklista.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Nelson David sa patuloy na pagtulong ng Petron, at pauunlarin pa nila ang nasabing proyekto para maka-attract pa ng mga negosyante gayundin ang pag-unlad pa ng kanilang turismo.

The post Petron at Limay LGU, malalim na ang pinagsamahan appeared first on 1Bataan.

Previous Petron supports construction of pedestrian bridge

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.