Phase 2 ng 1Bataan Village sa Bayan ng Orion, sisimulan na!

Philippine Standard Time:

Phase 2 ng 1Bataan Village sa Bayan ng Orion, sisimulan na!

Pinangunahan ng mga lokal na opisyal sa Bataan ang groundbreaking and time capsule laying ceremonies para sa pagtatayo ng Phase 2 ng 1Bataan Village sa Brgy. Daan Pare, Orion, Bataan, nitong Miyerkoles.

Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia, tatlong residential towers na may dalawang 16 na palapag at isang 21palapag na residential building na may kabuuang 1,500 units ang itatayo sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pangunguna ni Sec. Jerry Acuzar at ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) na pinangungunahan ni President and CEO Federico Laxa.

Nagpasalamat kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos si Governor Garcia sa proyektong ito dahil aniya sa nabibilang sa kanyang priority programs at naayon sa kanilang layunin para sa pagtataguyod ng matatag na pamilyang Bataeño.

Nakasama ni Gov. Joet sina Vice Governor Cris Garcia, Bataan 2nd District Rep. Abet Garcia, DHSUD Assistant Secretary Hanica Rachel Arshia Ong, Orion Mayor Tonypep Raymundo, at ang mga kinatawan ng Bataan Human Settlements Office (BHSO-PGO), Homeowners Association, Architect Henry Mayuga, at ng Social Housing Finance Corporation.The post Phase 2 ng 1Bataan Village sa Bayan ng Orion, sisimulan na! appeared first on 1Bataan.

Previous SBMA hails Subic companies for outstanding 2023 accomplishments

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.