Nagsama-sama ang pwersa ng mga empleyado ng LGU-Pilar at 300 pang indibidwal mula sa iba’t ibang partner organizations, upang lumahok sa paglilinis sa may 300 kilometrong baybayin ng Manila Bay sakop ng Brgy Landing sa bayan ng Pilar kaugnay ng International Coastal Clean Up day nitong nakaraang Sabado, ika-16 ng Setyembre.
Ayon sa Municipal Environment Office ng Pilar, layunin nila na manatiling modelo sa pagsasaayos at pagbibigay proteksyon sa ating kalikasan at katubigan laban sa iba’t ibang polusyon partikular na ang mga basurang plastic na bumabara dito.
Matapos ang ilang oras na paglilinis ng mga empleyado ng LGU- Pilar, DENR- Bataan, PENRO, Phil.Coast Guard, PNP Pilar MPS, BFP – Pilar, Unitad Architect of the Phil. – Bataan Chapter at Bataan Peninsulares Chapter, Mun. Fisheries and Aquatic Resources Council, DEPed, PSA, mga opisyal at residente ng barangay Landing, ay nakapagtala sila ng may 2.5 toneladang basura na kanilang inilagak sa MRF bago ang maayos na pagdadala nito sa engineered Sanitary Landfill.
The post Pilar, nagtala ng 2.5 toneladang basurang nakalap sa Coastal Clean Up appeared first on 1Bataan.