Ito ang masayang ibinalita ni Pilar Mayor Charlie Pizarro matapos itong makipagpulong kay Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar kamakailan. Sinabi ni Mayor Pizarro na pinamamadali na ni Sec. Acuzar na matapos sa lalong madaling panahon ang Bataan Harbor City Ecozone, bukod dito, dapat daw ay bigyan ng pabahay ang mahihirap na pamilyang madidisplace dahil sa proyektong ito kasama na rin yong mga illegal settlers sa mga river banks o danger zones, na ayon pa kay Mayor Charlie ay umaabot sa 400 pamilya.
Sa ngayon, paglalahad pa ni Mayor Pizarro, pinag aaralan na ng kanilang team ang nais ni Secretary Acuzar na housing project na high rise building na may 20 palapag na itatayo sa isang 20 ektaryang lupain, na dagdag pa ni Mayor Charlie, tinitingnan niyang lokasyon ang mga barangay ng Wakas o Landing. Pahabol pa umano ni Sec. Acuzar kay Mayor Charlie na kung sakaling sosobra ang housing units sa mga taga-Pilar ay maaaring ma accommodate na rin ang mga informal settlers ng ibang bayan, na wala naman daw problema ayon pa kay Mayor Charlie.
The post Pilar, prayoridad ng DHSUD appeared first on 1Bataan.