Magkakaroon na ng sariling pampublikong palengke ang Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan.
Ito ang magandang balita ni Punong Barangay Dante Malimban sa panayam ng 1Bataan News nitong Huwebes kaugnay sa mga pinakahuling kaganapan sa barangay na ito.
Ayon kay Kap Dante, ito ay may dalawang palapag at nagkakahalaga ng P75 million. “Ito po ang magiging pinakamagandang palengke dito sa Bayan ng Mariveles,” buong pagmamalaki ni PB Malimban.
Aniya, nagpapasalamat siya kay dating Governor at ngayon 2nd District of Bataan Congressman Abet Garcia na tumulong sa pagbibigay ng pondo para maitayo ang naturang palengke.
Full support din aniya sa proyekto si Governor Joet Garcia.
Inaasahang pormal na magbubukas ang Alas-asin Public Market sa susunod na taon.
The post “Pinakamagandang public market” sa Mariveles, itinatayo sa Brgy. Alas-asin appeared first on 1Bataan.