Dumalo sa inagurasyon at pagbubukas ng kauna-unahang Padel Court sa Bataan, si Senadora Pia Cayetano kasama sina Gov. Joet Garcia, Cong Abet Garcia, Cong Gila Garcia, City Mayor Francis Garcia at iba pang opisyal.
Ayon kay Sen.Pia Cayetano, ang padel ay isang racket sport na halos ay kapareho ng tennis at squash, na nagsimula umano sa Spain at ngayon ay isa ng growing sport in the world at marami na rin sa Asian countries ang nagtataguyod ng larong ito.
Dahil nga ang padel ay isang social game ayon kay Sen Cayetano na sinimulan niya sa iba’t ibang lalawigan sa pamamagitan ng kanyang Pinay in Action (PIA) at nais niya pa umanong palawakin ito sa Luzon, Visayas at Mindanao, na tiyak kasama ang lalawigan ng Bataan kung saan ay marami pang public padel courts ang kanyang ipatatayo.
Nagkaroon ng exhibition game sa bagong padel court sina Sen. Pia Cayetano ka-double si Cong Abet Garcia at nakita ng lahat na madaling matutunan ang nasabing sport.
Sa panayam kay Cong Gila, sinabi nitong nakakatuwa na magbubukas ang kauna- unahang padel court sa Bataan, na kung saan ay nakaka excite umano dahil tiyak na makikinabang ang mga kabataan hindi lamang sa kaalaman sa paglalaro kundi maging sa kanyang kalusugan.
Ang itinayong padel court na talaga namang pupuntahan ng ating mga kabataan ay nasa Green Leaf Residences, Lungsod ng Balanga na pag aari ni G. Renedel Mendoza samantalang si G. Ramon Garcia ng HORAM ABI, isang property owner ng nasabing subdivision ang nag sponsor sa pagtatayo ng nasabing padel court.
The post Pinay in Action ni Sen. Pia Cayetano, sinimulan na sa Bataan appeared first on 1Bataan.