“Unanimously enacted by SP on Sept 12. Approved by the Governor on Sept 27.” Ito ang naging update ngayong Miyerkoles sa Bataan Local Press ni Atty. Mark Quezon, SP Bataan Secretary, kaugnay sa Provincial Legal Awareness Group o PLAG Ordinance.
Si Board Member Tony “TikTok Lawyer” Roman, tagapangulo ng Committee on Justice, Human Rights and Legal Matters, ang nag-akda at nag-sponsor ng ordenansa. Layon ng naturang ordenansa na bumuo ng grupo na magbibigay ng libreng legal na pagtuturo sa Konstitusyon at magpapalawak ng kamalayan tungkol sa mga pangunahing hakbang sa pambansa at lokal na pambatasan at mga executive orders.
Magsasagawa din ng mga seminars at fora upang matugunan ang mga karaniwang problemang legal. Nakasaad sa ordenansa na magkakaroon ng kolaborasyon ang PLAG sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Public Attorney’s Office, Office of the Provincial Prosecutor, Integrated Bar of the Philippines, iba pang grupo ng mga abogado, at mga institusyon sa pagtupad sa mga tungkulin nito.
Mag-oonline din ang PLAG.
Ang PLAG ay gagana sa ilalim ng Opisina ng Gobernador at pamumunuan ng Provincial Legal Office.
The post PLAG ordinance, aprub kay Gov. Joet appeared first on 1Bataan.