Ayon kay Gov. Joet Garcia, upang mapanatili ang kalusugan at kahandaan ng mga kabataan, may mahalagang bahagi at responsibilidad ang mga yunit pamahalaang lokal sa pagpapalaganap ng Healthy Paaralan program.
Dagdag pa niya na kailangang tiyakin ang epektibong pamamahala ng mga paaralan sa pagsiguro na naibibigay sa mga mag aaral ang masustansyang pagkain. Habang isinasalin ang pamamahala sa Platong Bataeño mula kina Gov Joet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia at BBJVI sa yunit pamahalaang lokal sa pangunguna ni Mayor AJ Concepcion, Schools Division Supt. Carolina at Baseco School.Principal Susan R. Cruz, ay ipinaliwanag naman ni Doc Bong Galicia, Health Consultant ng probinsya na para maging malusog ang katawan, kinakailangan umano kumain ang isang tao ng 78% ng prutas, 17% na karne, 30% kanin at 33% na gulay.
The post Platong Bataeño, para sa mahusay at matagumpay na kabataan appeared first on 1Bataan.