Potensyal sa volleyball, ipinakita ng mga kabataan

Philippine Standard Time:

Potensyal sa volleyball, ipinakita ng mga kabataan

Inorganisa ng Volleyball Athletes Club of Mariveles at Mariveles Rainbow Alliance ang tatlong araw na volleyball league na may temang “Promoting Teamwork and Sportsmanship in the middle of the pandemic.”

Ayon sa grupo, ang nasabing liga ay isang magandang pagkakataon na sa paglabas ng mga kabataan mula sa “pagkakakulong” dahil sa pandemya ay mailabas nila ang kanilang enerhiya tungo sa sports at hindi sa droga.

Naging panauhin sa nasabing gawain si dating Mayor AJ Concepcion na ayon sa kanyang mensahe, ay akma ang tema ng nasabing liga sa hinaharap nating pagsubok sa panahon ng pandemya, at sa pamamagitan ng teamwork o pagtutulungan, lalo na ng mga kabataan ay kakayanin natin ang anumang pagsubok na darating sa ating bayan.

Dagdag pa ni Atty. Concepcion bagama’t tatlong araw lamang ginanap ang liga ay nakita ang muling pagsigla ng mga kabataan at naipakita nila ang kanilang husay at potensyal sa larong volleyball na pwede nating magamit sa mga darating na sports events sa lalawigan.
Pinasalamatan ng grupo si Punong Barangay. Rod Luyo ng Brgy, Ipag, sa pagho-host sa nasabing palaro.

The post Potensyal sa volleyball, ipinakita ng mga kabataan appeared first on 1Bataan.

Previous Gov Abet supports BPSU- BPA program

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.