Nitong nakaraang linggo ay nakipagpulong si Cong Abet Garcia sa matataas ng opisyal ng Department of Environment and Natural Resources ( DENR) para sa Pre- Launch ng Project Transform sa lalawigan.
Ayon sa masipag na kinatawan ng Ikalawang Distrito, ang Project Transform ay naglalayon na pagtulungan ng mga ahensyang nasyonal, lalawigan, munisipalidad/ lungsod at mga pribadong sektor ang pagtugon sa pangangailangan ng ating kalikasan.
Dito ay binigyang- diin ni Cong. Abet ang mga proyektong pangkaunlaran na maisasagawa sa pamamagitan ng Public- Private Partnership o PPP para makapagtayo sa lalawigan ng malinis na pagkukunan ng koryente.
Maganda ang naging tugon ng mga matataas na opisyal ng DENR na sina Undersecretary Marilou Emi at Undersecretary Jonas Leones na ikinatuwa ni Cong Abet kaya’t gayun na lamang ang kanyang pasasalamat sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa mga opisyal at mamamayan ng Bataan para sa lalo pang ikauunlad ng Lalawigan.
The post Pre-launch ng Project Transform appeared first on 1Bataan.