Nabigyan ng International Standardization Organization o ISO 9001:2015 certificate ang Bureau of Customs Port of Limay dahil sa mataas na kalidad ng serbisyo ng naturang tanggapan ng gobyerno.
Ayon kay BOC Port of Limay District Collector Atty. William Balayo, ang prestihiyosong sertipikasyon na ito ay nagmula sa TUV SUD Asia Pacific TUV SUD Group, isang international ISO certification giving body, dahil sa kanilang metikulosong pagpapatupad ng Quality Management System sa kanilang Provision of Customer Support Services kagaya ng releasing of documents at handling of inquiries at epektibong payment collection.
Ang naturang sertipikasyon ay valid mula Abril 2022 hanggang Abril 11, 2025.
Kamakailan ay nabigyan ng commendation si Atty. Balayo dahil naman sa kanyang “commendable performance” sa koleksiyon ng buwis o customs duties and taxes noong Hulyo 2022 na umabot sa P11.894 bilyon at collection surplus na umabot sa P1.906 bilyon.
The post Prestihiyosong ISO Certification, iginawad sa BOC Port of Limay appeared first on 1Bataan.