Dahil sa lumalagong turismo at komersyo sa bayan ng Bagac, naging maagap ang administrasyon ni Mayor Ramil del Rosario na gumawa ng solusyon upang hindi na lumala pa ang problema nila sa basura.
Sa panayam kay Municipal Administrator Nick Ancheta sinabi nitong sa ngayon ay nagpapatayo na ang kanilang LGU ng isang modern Material Recovery Facility (MRF) sa sitio Sili na inaasahang matatapos ngayong buwan ng Disyembre at magiging operational sa unang quarter ng taong 2022.
Nabanggit din ni G. Ancheta na naisakatuparan ang nasabing proyekto sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Abet Garcia na nagbigay ng P10M at ang P4M naman umano ay galing sa ini-release ng DBM sa ilalim ng Local Govt Support Fund.
Nilinaw ni G. Ancheta na habang may kontrata pa rin ang LGU ng Bagac sa Metro Clark, sa ngayon pa lang ay gumagawa na sila ng paraan para maisaayos ang segregation ng kanilang basura hanggang sa maging fully operational ang kanilang MRF, hanggang sa pwede na silang bumitaw sa Metro Clark.
The post Problema sa basura sa Bagac, may solusyon na appeared first on 1Bataan.