Sa pangunguna ni Mayor Aida Macalinao, inilunsad kahapon sa munisipyo ng Samal ang Project Echo, isang telementoring program para sa maagap na pag-iwas, pagsusuri, at paggamot ng breast cancer sa mga kababaihan.
Ang nasabing programa ay sa pagtutulungan ng Philippine Society of Medical Oncologists, Roche Phil., Project Echo Phil at Pamahalaang Bayan ng Samal. Nakasama sa ginawang paglulunsad sina Konsehala Amy dela Rosa, SB Committee Chair on Health at Dr. Cristina Espino, Samal Municipal Health Officer.
Bukod sa breast cancer, layon din ng nasabing programa na mabigyan ng solusyon ang iba pang suluranin at hamon sa kalusugan ng mga Samaleno.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Macalinao na napakalaking tulong para sa mga kakabaihan ang Project Echo, lalo na at ang Samal ay isang 4th class municipality.
Samantala sinabi naman ni G. Eric Joie ng Project Echo Phil. na napili nila ang bayan ng Samal dahil sa mahusay na liderato ni Mayor Macalinao at sa kabila ng pagiging 4th class municipality, mayroon umano itong magagandang programa para sa kalusugan ng mga mamamayan.
The post Project Echo sinimulan sa Samal appeared first on 1Bataan.