Masayang ibinalita ni Mayor Charlie sa pagbisita ni DSHUD Secretary Jerry Acuzar kasama si Gov. Joet Garcia, ang progreso sa mga housing projects at ang pagtatayo ng dalawang prominenteng hotel sa Bataan Harbor City, sa bayan ng Pilar.
Ang nasabing housing project ayon kay Mayor Pizarro ay para bigyang solusyon ang mga pamilyang aalisin sa mga tabing -ilog, tabing dagat gayundin mga informal settlers para magkaroon ng disente at sariling tahanan.
Idinagdag din ni Mayor Pizarro na plano sanang gawing fully commercialized ang Harbor City pero ipinakiusap niya na magkaroon ng dalawang factory para umano magkaroon ng trabaho ang mga pamilyang lilipat sa nasabing housing vilage na malapit lang sa kanilang magiging tirahan.
Ang nasabing Bataan Harbor City na may sukat na 75.5 hectares at may nakalaang pondo na 2.3 million peso loan mula sa Development Bank of the Phil ay inaasahang mag aakyat ng pondo na P10B sa kabang-bayan ng Pilar at maglilikha ng mga trabaho na aabot sa 50k kapag fully completed na.
Tulad ng itinatayong Bataan- Cavite Interlink bridge, ang itinatayong Bataan Harbor City ay isa ring game changer sa ekonomiya hindi lamang sa bayan ng Pilar kundi sa buong lalawigan ng Bataan.
The post Prominenteng hotel, itatayo sa Bataan Harbor City appeared first on 1Bataan.