Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Barangay Parang, Bagac, Bataan, Biyernes ng hapon.
Itatayo ito sa 250,000 square meters na lote na naidonate ng Bataan Provincial Government sa Philippine Sports Commission sa seremonyang naganap noong ika-18 ng Mayo, 2021 na sinaksihan ni Senator Bong Go.
Dumaan ito sa proseso ng ocular inspections, feasibility studies at diskusyon pati na ang change of site bago naisagawa ang groundbreaking ceremony.
Bilang pangunang pondo ay naglaan ang national government ng P3.5B seed money para sa proyektong ito alinsunod sa R.A. 11214 o ang PSTC Act.
Kasama ng Pangulo sina Senator Bong Go, PSC Chairman Butch Ramirez, Bataan Gov. Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, 2nd District Rep. Joet Garcia, Congresswoman-elect Gila Garcia, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay, Bataan Mayors and Board Members, Capitol officials at ilang national athletes sa naturang okasyon.
The post PRRD nanguna sa groundbreaking rites ng PSTC appeared first on 1Bataan.