Alinsunod sa tagubilin ni Gov. Joet Garcia na magkaroon ng healthy lifestyle ang mga Bataeños, binuo ni Pusong Pinoy Partylist Cong Jett Nisay ang isang basketball team na ayon sa kanya ay sariling bersyon niya ng pagkakaroon ng active lifestyle bilang ehemplo ng mga kabataan.
Ayon pa kay Cong. Jett Nisay, inisyatibo ng Pusong Pinoy Partylist na magbuo ng isang basketball team bilang kontribusyon sa isang malusog at matatag na mga Bataeños. Ito ay kinabibilangan nina, BM Popoy del Rosario, Bagac Vice Mayor Ron del Rosario, Abucay Konsehal Marcelino Soriano, Dinalupihan Konsehal Gary David, Samal Konsehal Erval Flores at Edgar de Leon gayundin si Punong Barangay Dione Langas.
Ang kanilang team ay dumarayo sa iba’t ibang bayan kasama ang Pusong Pinoy Sports and Development sa pangunguna ni Sports Coordinator Banzon Wangyu. Ang pinakahuli nilang dinayo ay ang bayan ng Mariveles kung saan ay nakatunggali nila ang koponan ng Mariveles Km 0 Eagles Club na kinabibilangan ni Mayor AJ Concepcion.
Marami na umano silang napuntahang bayan na naging matagumpay ang kanilang paglalaro kung kaya’t hinihikayat nila ang iba pang grupo ng mga basketball enthusiasts na magpadala ng liham sa kanilang tanggapan at baka sila na ang susunod na barangay o bayan na kanilang darayuhin.
The post Pusong Pinoy basketball team dinayo ang Mariveles appeared first on 1Bataan.