Pusong Pinoy, namahagi ng tulong

Philippine Standard Time:

Pusong Pinoy, namahagi ng tulong

Hindi nagpahuli sa pagtulong ang Pusong Pinoy Partylist ni Cong. Jett Nisay sa kasagsagan ng ulan, kung saan ay personal siyang bumisita at namahagi ng mahigit sa 50 food packs sa evacuation center sa bayan ng Abucay, katuwang ng Pamahalaang Lalawigan sa pangunguna ni Gov. Joet Garcia gayundin si Mayor Robin Tagle ng Abucay at MSWDO na si Ms Roselle Cabrera.

Ganito rin ang ginawa ng Alagang Pusong Pinoy sa mga evacuees sa Parapal Elem. School, mahigit sa 50 food packs ang kanilang ipinamahagi katuwang pa rin ang Pamahalaang Panlalawigan at Mayor Jopet Inton ng Hermosa na kinatawan nina ABC Roberto Rosel at Kap Enrique Diwa ng Brgy. Bacong.

Ayon kay Pusong Pinoy Partylist Cong. Jett Nisay, hindi man umano ganun karami ang kanilang ipinamigay sa mga pamilyang apektado ng mga bagyong Egay at Falcon, ang mahalaga umano ay nakatulong ang kanyang sektor sa Probinsya sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo.The post Pusong Pinoy, namahagi ng tulong appeared first on 1Bataan.

Previous Green Horizons: Empowering the Youth for a Sustainable Tomorrow

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.