Maraming aktibidad sa kasalukuyan si Pusong Pinoy Partylist Cong Jett Nisay tulad ng KAPmustahan at bisita barangay kung saan ay bumababa at nakikipagpulong siya sa mga barangay officials gayundin sa mga mamamayan para makapag-update ng kanyang mga programa at tulong medical, burial at pinansyal , gayundin upng malaman ang kalagayan ng mga residente.
Sa mga pagbisitang ito, isinasabay na niya ang pagtatatag ng “Red Cross 143” isang volunteer group na binubuo ng 50 mamamayan kada barangay bilang dagdag na “human resource” na pwede makatulong sa oras ng pangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ni Cong Jett na maging sa kanilang Red Cross Board of Directors meeting, kung saan siya ang Chairman ay kasama sa pangunahing programa ang pagtatatag ng 143, dahil naniniwala umano sila na higit na mapabibilis at marami ang tulong na magagawa kapag mayroon nito para sa ating mga kababayan. Dagdag pa niya, ilan pa sa serbisyong ginagawa nila sa Red Cross bukod sa 143 ay, ang blood service, safety service at health caravan para sa libreng check-up at gamot gayundin ang pagbibigay ng food packs mga mamamayan.The post Red Cross 143, itinatatag ni Cong Nisay appeared first on 1Bataan.