Narinig mo na ba ang tungkol sa “Rentable Solar Generator?” Ito ay naging makatotohanan nang manalo kamakailan ang City of Balanga at Bataan Peninsula State University (BPSU) para sa kanilang research project na start-up business na rentable solar generator, kung saan sila ay nagwafi ng P1M(isang milyon) piso.
Sa panayam kay BPSU Pres. Ruby Santos- Matibag, sinabi niyang nakipag-partner sila sa City Govt of Balanga sa nasabing research, na bukod sa technical side ng pagkakagawa nito ay nabigyang-diin nila ang business side na malaking income na nawawala sa mga maliliit na negosyante kapag nawawalan ng kuryente. Ibig sabihin nito, ayon pa kay Pres. Ruby Matibag, kapag brown-out o walang kuryente, totally walang income ang maliliit na negosyante. At base sa kanilang research, nagamit nilang data para ma-compute ang “nawawalang income” yong announced advisory sa power interruption, hindi pa kasali sa computation ang mga un-announced power interruption, kung gaano kalaki ang nawawalang income.
Mula sa naging premyo nila na P1M, gagawin umano nilang seed money ito para maging income generating ang mga gagawin nilang rentable solar generator na bukod sa environment friendly ay matulungan ang maliliit na negosyante na makapag-rent ng solar generator para maging tuloy-tuloy ang operation ng kanilang negosyo kahit pa may power interruption.
The post Rentable Solar Generator ng Balanga City at BPSU wagi appeared first on 1Bataan.