Sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month na may temang “Sambayanang Pilipino Nagkakaisa Tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan”, isang exhibit ang kasalukuyang ginaganap sa The Bunker na nagpapakita ng iba’t ibang modernong life-saving equipment na ginagamit ng mga miyembro ng MBDA, PNP, Bureau of Fire Protection, Red Cross, REACT at iba pang grupo ng first responders.
Ang REACT Bataan, ay isang non-government organization, na may grupo sa buong lalawigan.
Ayon sa kanila, napapanahon ang pagdaraos ng nasabing exhibit, hindi lamang para ipakita ang mga makabagong kagamitan kundi upang magsilbing paalala sa lahat na ngayon ay panahon na ng tag-ulan, higit kailanman dapat tayong lalong maging handa sa maaring idulot na panganib ng malalakas na pag ulan gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa, tulad ng nangyari kamakailan lang sa Sitio Labangan, Brgy. Gabon sa bayan ng Abucay na kumitil sa buhay ng isa nating kababayan.
Ang exhibit ay tatagal nang limang araw mula Lunes (July 11) hanggang Biyernes (July 15). Ang lahat ay inaanyayahan na bumisita sa The Bunker lalo na ang mga LGU’s na nagnanais na magkaroon ng mga makabagong rescue equipment.
The post Rescue equipment exhibit sa The Bunker appeared first on 1Bataan.