Mapapababa na ang mga kaso ng sakit na TB sa bayan ng Mariveles. Ayon kay Mayor AJ Concepcion ang kanilang Rural Health Units 1 at 3 ay accredited TB DOTS centers na, matapos ang matagumpay na balidasyon nito noong ika-29 ng Setyembre.
Sinabi pa ng masipag ng Punong-bayan ng Mariveles na mas maayos nang matutugunan ang paggamot at pagsugpo sa nakahahawang sakit na TB dahil mayroon na silang mga rural health centers na may focus at siyang magbibigay ng mahusay na serbisyong pang kalusugan para dito.
Patuloy pa rin umano silang magbibigay ng edukasyon at kaalaman sa tamang paggamot ng TB sa mga apektadong indibidwal at pamilya nito para maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit. Nagpasalamat si Mayor Concepcion sa masisipag niyang Municipal Health staff sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian kasama ang iba pang rural health physicians, nurses, midwives, brgy health workers at iba pang support services. Ito ay isa na namang tagumpay sa aspeto ng kalusugan ayon kay Mayor AJ Concepcion para patuloy pang mapalakas at mabigyang halaga ang kalusugan ng bawat Mariveleño.
The post RHUs ng Mariveles accredited TB DOTS centers na appeared first on 1Bataan.