Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proyekto ng pagpapalapad ng kalsada sa bahagi ng Abucay ng Roman Expressway. Partikular na pinalapad nito ang 524-linear meter na bahagi ng kalsada mula dalawang lane hanggang apat na lane.
Ayon kay DPWH Bataan 1st District Engineer Erlindo Flores Jr., ang proyekto ay sa ilalim ng Network Development Program ng ahensya. Ang pagpapalapad ng kalsada ay isang mahalagang bahagi ng programang naglalayong mapabuti ang daloy ng trapiko at konektibidad. “Hindi maikakaila ang kahalagahan ng P19.59-milyong proyektong ito. Hindi lang ito tungkol sa mas magandang kalsada; ito rin ay tungkol sa pagpapalago ng ekonomiya at pag-unlad ng komunidad,” diin niya. Binanggit ni Flores na ang pagpapabuti ng imprastraktura ay makaaakit ng mga mamumuhunan, magpapalakas sa mga lokal na negosyo, at makalilikha ng mga oportunidad sa trabaho, na sa huli ay magpapabuti sa pangkalahatang kalidad ng buhay sa lalawigan.
The post Road widening ng Roman Expressway sa Abucay, tapos na appeared first on 1Bataan.