Naging panauhing pandangal si Hermosa Mayor Jopet Inton sa isinagawang pagbubukas ng bagong Samal Dialysis Center ng KidneyWell Medical Health Services sa Bayan ng Samal, nitong Lunes.
Ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Fr. Jefferson Paule kasama at sinaksihan ng iba pang opisyal ng Samal na sina Vice Mayor Ronnie Ortiguerra; mga Konsehal ng Samal, Vangie Buensuceso, Erval Flores, Rhina Saldaña, Lolito Llanda, Dylan House, Edgar De Leon, James Manguiat, Marjun Bantay; Dra. Jenina Joy Jorge, Dra. Marachelle Carandang, Dra. Ma Lorelie Tong, Mr. Howell Icban Special Assistance Program Coordinator and 1Bataan Malakit Dialysis Assistance Coordinator; at iba pang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Samal.
Batid ng Pamahalaang Bayan ng Samal sa pamumuno ni Mayor Alex Acuzar ang hirap at gastos na kinakaharap ng mga pasyenteng nangangailangan nito, kaya’t magiging malaking tulong ito maging sa kanilang mga pamilya.
Ang Samal Dialysis Center ay kumpleto sa modernong kagamitan at kayang tumanggap ng mga pasyenteng taga Samal na nangangailangan na magpa-dialysis.
Layunin ng proyektong ito na ilapit sa publiko at gawing abot-kaya ang dialysis services para sa mga mamamayang Samalenyo na nangangailangan.
“Inaasikaso na din natin ang pagpapatayo ng Dialysis Center sa ating Bayan (Hermosa) upang hindi na pumunta pa sa ibang lugar o bayan para magpa-dialysis, ito ay programa ni Governor Joet Garcia at Congressman Abet Garcia, na ating sinusulong,” pahayag ni Mayor Inton.
The post Samal Dialysis Center, binuksan na! appeared first on 1Bataan.