Pormal nang pinasinayaan ngayong Lunes, ika-18 ng Abril, ang Samal Dialysis Center sa Samal, Bataan.
Pinangunahan ito ni Samal Mayor Aida Macalinao kasama ang kanyang mga kasamahan sa paglilingkod bayan, former Samal Mayors Teody Albelda at Roman Lazarte Sr. at Kidneywell private sector partners at representatives Dianne Tan, Raymond Abelido, Erick Arejola, Alex Abelido, Andrew Saldana, at Jason Tan.
Sina former Samal Mayor Rolly Tigas at kabiyak, Marilyn Tigas, former PSWD chief ay nagpahayag din ng suporta sa naturang proyekto. Full support din dito sina Bataan Governor Abet Garcia, 1st District Rep. Geraldine Roman at 2nd District Rep. Joet Garcia.
Si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Cruz Santos ang nanguna sa pagbabasbas sa naturang pasilidad na siyang ikalawa sa lalawigan ng Bataan. Unang naitayo ang kaparehong pasilidad sa bayan ng Orion. Mayroong 10 modernong dialysis machines at television sets ang naturang pasilidad.
Bukas ang Samal Dialysis Center, ayon kay Mayor Aida, hindi lamang para sa mga mamamayan ng Samal kundi sa mga karatig bayan ng Orani at Abucay.
Isang buwan mula ngayon ay magiging fully operational na ang Samal Dialysis Center. Itatayo din sa tabi nito ang Samal Diagnostic Center para sa mga laboratory examinations ng mga magiging pasyente nito.
The post Samal Dialysis Center, pinasinayaan appeared first on 1Bataan.