Samal Dialysis Center, sinimulan na!

Philippine Standard Time:

Samal Dialysis Center, sinimulan na!

Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-59 na kaarawan ngayong araw na ito ay pinangunahan ni Samal Mayor Aida Macalinao ang groundbreaking ceremony ng Samal Dialysis Center sa Brgy. San Roque.

Matatagpuan ito sa dating rural health unit ng Samal at itatayo sa pamamagitan ng partnership ng LGU-Samal at ng Kidneywell Medical Health Services (KMHS).
Ayon kay Mayor Aida, “Inaasahan na sa Abril ay pormal na itong mabubuksan upang higit na itaas ang antas ng isang serbisyong may puso, totoo, at konektado.”

Ang naturang dialysis center ay ikalawa na sa Bataan at nauna rito ay mayroon ding ganitong sistema ng public-private partnership sa bayan ng Orion katuwang ang KMHS.
“Ito po ang isang magandang ehemplo (ni Mayor Aida) na ang serbisyo ay inilalapit sa mga mamamayan. Samal is a small town but it has a lot of potential, ” sabi ni Atty. Roman III.
Ayon kay Mr. Saldaña ng KMHS, “This (dialysis center) will have state-of-the-art machines imported from abroad, reclining chairs, TVs and well-trained staff, doctors and nurses to deliver quality health care to the people of Samal.”

Dagdag pa ni Mayor Aida na tiwala siya na kasangga niya sa proyektong ito at sigurado ang todo suporta rito nina Congresswoman Roman, Gov. Abet Garcia at Cong. Joet Garcia.
Nakatakda ring itayo sa bayan ng Samal ang isang diagnostic center para dito na rin gawin ang mga kinakailangang medical at laboratory tests bago sumalang sa Samal Dialysis Center.
Dumalo rin sa okasyong ito sina Atty. Tony Roman III (na siyang kumatawan kay Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman), Charoen Pokphand Foods (CPF) Phils. President Udomsak Aksornphakdee, Samal Municipal Councilors Ronnie Ortiguerra, Amy Yabut Dela Rosa, Glenn Velasco, DILG MLGOO Jasmin Maninang Bartolo, Punong-Barangay Nicolas Cabusao, Municipal Department Heads, mga Kawani, at mga investors na sina Andrew Saldaña, at Frederick Arejola.

The post Samal Dialysis Center, sinimulan na! appeared first on 1Bataan.

Previous PAG-IBIG funds Bataan housing projects

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.