Tinanghal na 4th place winner ang bayan ng Samal sa katatapos na Fisheries Compliance Audit (FISHCA) para sa buong bansa.
Ayon kay Mayor Aida Macalinao malaking karangalan ang natamo ng bayan ng Samal na bagama’t 4th municipality lamang ay nakaagapay pa sila sa nasabing kompetisyon kung kaya’t ang natanggap umano nilang premyo na 200,000.pesos ay ilalaan nila sa mga proyekto at programa para sa pangangalaga sa kalikasan.
Kasama ring nagwagi ang bayan ng Orion na may premyo ding 200,000. at Lungsod ng Balanga na may premyong P1, 200, 000.
Iginawad ang pagkilala para sa mga FISHCA national winners sa pagbisita ng mga opisyal sa mga nanalong bayan kasama sina DILG R3 Regional Director Karl Ceasar Rimando, DILG Asst. Director Jay Timbreza, MED Chief Lerrie Hernandez, CDD Chief Ener Cambronero, FAD Chief Anita Adriano ng DILG R3, PD Myra Moral-Soriano ng Bataan, Cluster head Melissa Nipal, Samal MLGOO Ma. Jasmin Bartolo at Manila Bay Focal person Russel Jasper Rabacio.
The post Samal, panalo sa FISHCA appeared first on 1Bataan.