Isang sanitary landfill ang balak itayo sa lalawigan ng Bataan sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).
Sinabi ni Orani Mayor Efren “Bondjong” Pascual na napag-usapan ng mga alkalde sa Bataan ang plano na umano’y walang gagastusin ang pamahalaan sapagkat ito’y itatayo ng isang kompanya sa pamamagitan ng PPP scheme.
Sa ngayon, nagtatapon ng kani-kanilang basura ang karamihan sa mga bayan ng Bataan sa Clark Waste Management Corp. sa Tarlac.
Gumagastos ang bawat bayan nang humigit-kumulang sa P1 milyon bawat buwan para sa basura.
“Malaki ang budget namin para sa basura kung kaya’t kailangan na rin magkaroon tayo ng sariling pagtatapunan ng basura sa Bataan,” paliwanag ni Pascual.
The post Sanitary landfill itatayo sa Bataan appeared first on 1Bataan.