“Sa ngayon po ay dumarating na sa mga pamilihan ang iba’t-ibang klaseng prutas na sariwa hindi gaya noong dati na bago dumating sa pamilihan ay lamug na,” ayon kay Manolito Paule, Punong Barangay, Culis, Hermosa.
Labis ang pasasalamat ni Kapitan Paule kay Gobernador Joet Garcia, sa pamahalaang bayan ng Hermosa sa pangunguna ni dating Hermosa Mayor Jopet Inton at ng Sangguniang Bayan at kay bagong halal na Mayor Atty. Anne Adorable Inton dahil sa pagkakagawa ng halos 6 na kilometrong farm-to-market road (FMR) sa Sitio Nazareno.
Sinabi ni Paule ang pasasalamat sa harap mismo ng mga naturang opisyal sa pasinaya ng bagong daan noong maulang Miyerkoles, ika-2 ng Hulyo. Sinabi ni Paule na nakapagbebenta na ang mga residente nang halos lahat ng klaseng tropical fruits at maging ng durian.
Ang road improvement na nagkakahalaga ng mahigit P90 milyon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Department of Agriculture, Philippine Rural Development Project at World Bank loan (80 percent), Philippine Government (10 percent), at LGU equity (10 percent).
The post Sariwang prutas mula sa Sitio Nazareno appeared first on 1Bataan.