Muling bubuhayin ang pagiging seafood capital sa Gitnang Luzon ng bayan ng Orani sa lalawigan ng Bataan.
Sinabi ni Orani Mayor Efren “Bondjong” Pascual, Jr. na oras na mayari ang itinatayong P180 milyong Fish Landing and Trading Facility sa Barangay Pantalan Bago, muling sisigla ang kalakalan ng isda at ibang produktong-dagat sa bayan na minsan ay tinaguriang “seafood capital” ng Gitnang Luzon.
Ang konstruksyon ng naturang fish landing and trading facility ay inumpisahan na kamakailan at inaasahang mayayari sa susunod na taon.
Ito ay pinondohan ng World Bank sa pamamagitan ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture.
Ayon sa alkalde, ang bayan ng Orani ay may kitang pondo na humigit-kumulang sa P300 milyon.
Ang malaking kita ng Orani ay nagmumula sa public market.
Sa ngayon ay inihahanda na ng munisipyo ang pagsasaayos ng mga daan sa tatlong barangay na sakop ng proyekto – Palihan, Pantalan Bago at Pantalan Luma.
“Gusto ng ating mga barangay na maisaayos naman ang kanilang lugar upang mapasama sila sa pag-unlad,” dagdag pa ni Mayor Bondjong.
The post Seafood Capital, bubuhaying muli appeared first on 1Bataan.